Mga Gawa 14

May mga Hudyong dumating na nagmula sa Antioquia at Iconio na nakakumbinsi sa mga tao na kumampi sa kanila. Pinagbabato nila si Pablo at hinila palabas ng lungsod sa pag-aakalang patay na siya.

Acts 14:19 (UKJV) And there came thither certain Jews from Antioch and Iconium, who persuaded the people, and having stoned Paul, drew him out of the city, supposing he had been dead.

17Ngunit hindi nagkulang ang Diyos sa pagpapakilala ng kanyang sarili sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa. Binibigyan niya kayo ng ulan at mga ani sa takdang panahon. Masaganang pagkain ang ibinibigay niya sa inyo upang masiyahan kayo.”

18Subalit kahit ganito ang sinasabi ng mga apostol, nahirapan pa rin silang pigilan ang mga tao na maghandog sa kanila.

19May mga Hudyong dumating na nagmula sa Antioquia at Iconio na nakakumbinsi sa mga tao na kumampi sa kanila. Pinagbabato nila si Pablo at hinila palabas ng lungsod sa pag-aakalang patay na siya.

20Ngunit nang paligiran siya ng mga alagad ni Hesus, bumangon siya at bumalik sa lungsod. Kinabukasan, pumunta silang dalawa ni Bernabe sa Derbe.

21Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Magandang Balita sa Derbe at marami silang nahikayat na maging alagad ni Hesu-Kristo. Pagkatapos, bumalik na naman sila sa Listra, Iconio, at sa Antioquia na sakop ng Pisidia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.