Mga Gawa 15

Sina Pablo at Bernabe ay nanatili pa nang ilang araw sa Antioquia. Kasama ang marami pang iba, nagturo at nangaral sila doon ng salita ng Panginoon.

Acts 15:35 (UKJV) Paul also and Barnabas continued in Antioch, teaching and preaching the word of the Lord, with many others also.

33Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa mga nagsugo sa kanila. Ngunit bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [

34Subalit nagpasya si Silas na magpaiwan doon.]

35Sina Pablo at Bernabe ay nanatili pa nang ilang araw sa Antioquia. Kasama ang marami pang iba, nagturo at nangaral sila doon ng salita ng Panginoon.

36Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan kung saan ipinangaral natin ang salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid upang malaman natin ang kalagayan nila.”

37Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.