Mga Gawa 16

Nagpakuha ng ilaw ang guwardiya at dali-daling pumasok sa loob at nanginginig na lumuhod sa harapan nina Pablo at Silas.

Acts 16:29 (UKJV) Then he called for a light, and sprang in, and came trembling, and fell down before Paul and Silas,

27Nagising ang guwardiya at nakita niyang bukas ang mga pintuan. Akala niyaʼy tumakas na ang mga bilanggo, kaya hinugot niya ang kanyang espada at magpapakamatay na sana siya.

28Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag kang magpakamatay! Narito kaming lahat!”

29Nagpakuha ng ilaw ang guwardiya at dali-daling pumasok sa loob at nanginginig na lumuhod sa harapan nina Pablo at Silas.

30Pagkatapos, dinala niya sina Pablo sa labas at tinanong, “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”

31Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.