Mga Gawa 17

Ngunit nang marinig ng mga Hudyo sa Tesalonica na nangaral si Pablo ng salita ng Diyos sa Berea, pumunta sila roon at sinulsulan ang mga tao na manggulo.

Acts 17:13 (UKJV) But when the Jews of Thessalonica had knowledge that the word of God was preached of Paul at Berea, they came thither also, and stirred up the people.

11Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.

12Marami sa kanila ang sumampalataya kabilang dito ang mga Griyegong babae na kilala sa lipunan at mga Griyegong lalaki.

13Ngunit nang marinig ng mga Hudyo sa Tesalonica na nangaral si Pablo ng salita ng Diyos sa Berea, pumunta sila roon at sinulsulan ang mga tao na manggulo.

14Kaya inihatid ng mga mananampalataya si Pablo sa tabing-dagat. Ngunit sina Silas at Timoteo ay nagpaiwan sa Berea.

15Ang mga taong naghatid kay Pablo ay sumáma sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, bumalik sila sa Berea taglay ang bilin niya na pasunurin sa kanya sa Atenas sina Silas at Timoteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.