Mga Gawa 17

At katulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa sinagogang iyon. At sa loob ng tatlong magkakasunod na Araw ng Pamamahinga, nakipagtalakayan siya sa mga tao roon. Ginamit niya ang Kasulatan

Acts 17:2 (UKJV) And Paul, as his manner was, went in unto them, and three sabbath days reasoned with them out of the scriptures,

1Dumaan sila sa Amfipolis at sa Apolonia hanggang sa nakarating sila sa Tesalonica kung saan mayroong sinagoga ng mga Hudyo.

2At katulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa sinagogang iyon. At sa loob ng tatlong magkakasunod na Araw ng Pamamahinga, nakipagtalakayan siya sa mga tao roon. Ginamit niya ang Kasulatan

3upang patunayan sa kanila na ang Mesias ay kinakailangang magtiis at muling mabuhay. Sinabi ni Pablo, “Itong Hesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Mesias.”

4Ang iba sa kanilaʼy naniwala at sumáma kina Pablo at Silas. Marami ring mga Griyego na sumasamba sa Diyos at mga kilalang babae ang sumáma sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.