Mga Gawa 17

Ngunit nang hindi nila makita sina Pablo at Silas, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga mananampalataya papunta sa mga opisyal ng lungsod, at sumigaw sila, “Ang mga taong itoʼy nagdadala ng gulo kahit saan sila pumunta dahil sa kanilang itinuturo. At ngayon, narito na sila sa ating lungsod.

Acts 17:6 (UKJV) And when they found them not, they drew Jason and certain brethren unto the rulers of the city, crying, These that have turned the world upside down are come here also;

4Ang iba sa kanilaʼy naniwala at sumáma kina Pablo at Silas. Marami ring mga Griyego na sumasamba sa Diyos at mga kilalang babae ang sumáma sa kanila.

5Ngunit nainggit ang mga ibang Hudyong naroon kaya pinagsama-sama nila ang mga basagulero sa lansangan. Nang dumami na ang mga iyon, nagsimula silang manggulo sa buong lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason sa paghahanap kina Pablo at Silas para iharap sila sa mga tao.

6Ngunit nang hindi nila makita sina Pablo at Silas, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga mananampalataya papunta sa mga opisyal ng lungsod, at sumigaw sila, “Ang mga taong itoʼy nagdadala ng gulo kahit saan sila pumunta dahil sa kanilang itinuturo. At ngayon, narito na sila sa ating lungsod.

7Pinatuloy ni Jason sina Pablo at Silas sa kanyang bahay. Silang lahat ay kumakalaban sa mga kautusan ng Emperador, dahil sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangalan ay Hesus.”

8Nang marinig iyon ng mga tao at ng mga opisyal, nagkagulo sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.