Mga Gawa 19

Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Hudyo at Griyego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.

Acts 19:10 (UKJV) And this continued by the space of two years; so that all they which dwelt in Asia heard the word of the Lord Jesus, both Jews and Greeks.

8Sa loob ng tatlong buwan, patuloy ang pagpunta ni Pablo sa sinagoga. Hindi siya natatakot magsalita sa mga tao. Nakipagdiskusyon siya at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos.

9Ngunit ang iba sa kanilaʼy matigas talaga ang ulo at ayaw maniwala, at lantaran nilang sinisiraan ang Daan. Kaya umalis si Pablo sa kanilang sinagoga kasama ang mga alagad, at araw-araw ay pumupunta siya sa bulwagan ni Tirano upang ipagpatuloy ang pakikipagdiskusyon sa harap ng madla.

10Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Hudyo at Griyego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.

11Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo.

12Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga maysakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamáng espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.