Mga Gawa 19

May ilang mga Hudyo doon na gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinasaniban nito. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Hesus upang palabasin ang masasamáng espiritu. Sinabi nila sa masasamang espiritu, “Sa pangalan ni Hesus na ipinangangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!”

Acts 19:13 (UKJV) Then certain of the vagabond Jews, exorcists, took upon them to call over them which had evil spirits the name of the LORD Jesus, saying, We adjure you by Jesus whom Paul preaches.

11Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo.

12Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga maysakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamáng espiritu.

13May ilang mga Hudyo doon na gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinasaniban nito. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Hesus upang palabasin ang masasamáng espiritu. Sinabi nila sa masasamang espiritu, “Sa pangalan ni Hesus na ipinangangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!”

14Ganito rin ang ginagawa ng pitong anak na lalaki ni Esceva na isa sa mga namamahalang paring Hudyo.

15Minsan, nang subukan nilang palayasin ang masamáng espiritu, sinagot sila nito, “Kilala ko si Hesus, ganoon din si Pablo, pero sino kayo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.