Mga Gawa 19

At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng mga aklat na sinunog ay umabot ng ilang milyon.

Acts 19:19 (UKJV) Many of them also which used curious arts brought their books together, and burned them before all men: and they counted the price of them, and found it fifty thousand pieces of silver.

17Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng lahat ng Hudyo at mga Griyegong nakatira sa Efeso. Natakot sila, at lalo pang naparangalan ang pangalan ng Panginoong Hesus.

18Marami sa mga sumampalataya ang lumapit at umamin sa masasama nilang ginawa.

19At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng mga aklat na sinunog ay umabot ng ilang milyon.

20Dahil sa pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Panginoon.

21Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, nagpasya si Pablo na dumaan muna sa Macedonia at sa Acaya bago pumunta sa Jerusalem. At ayon sa kanya, kailangan din niyang puntahan ang Roma pagkagaling sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.