Mga Gawa 20

Mula sa Mitilene, tumuloy kami sa Quio, at nakarating kami roon kinabukasan. Nang sumunod na araw, nasa Samos na kami, at makaraan ang isa pang araw ay narating namin ang Mileto.

Acts 20:15 (UKJV) And we sailed thence, and came the next day opposite to Chios; and the next day we arrived at Samos, and tarried at Trogyllium; and the next day we came to Miletus.

13Naglayag kami papuntang Asos at doon na namin susunduin si Pablo na naglakad lang papunta doon.

14Nang magkita kami sa Asos, pinasakay namin siya at naglayag kami patungong Mitilene.

15Mula sa Mitilene, tumuloy kami sa Quio, at nakarating kami roon kinabukasan. Nang sumunod na araw, nasa Samos na kami, at makaraan ang isa pang araw ay narating namin ang Mileto.

16Hindi kami dumaan sa Efeso, dahil ayaw ni Pablo na maglaan ng oras sa lalawigan ng Asia. Nagmamadali siya dahil gusto niyang makarating sa Jerusalem bago dumating ang Araw ng Pentecostes.

17Habang nasa Mileto si Pablo, may pinapunta siya sa Efeso para sabihin sa mga pinuno ng iglesya na makipagkita sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.