Mga Gawa 20

Pagsapit ng unang araw ng linggo, nagtipon kami sa pagpira-piraso ng tinapay upang gunitain ang Panginoon. At dahil maglalakbay si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi.

Acts 20:7 (UKJV) And upon the first day of the week, when the disciples came together to break bread, Paul preached unto them, ready to depart on the next day; and continued his speech until midnight.

5Nauna sila sa Troas at hinintay nila kami doon.

6Pinalampas muna namin ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa bago kami bumiyahe galing sa Filipos. Pagkatapos ng limang araw na paglalakbay, nakarating kami at nagkita-kita muli sa Troas kung saan kami nanatili ng pitong araw.

7Pagsapit ng unang araw ng linggo, nagtipon kami sa pagpira-piraso ng tinapay upang gunitain ang Panginoon. At dahil maglalakbay si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi.

8Maraming ilaw sa itaas ng silid na pinagtitipunan namin.

9May isang binata roon na ang pangalan ay Eutico na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa ikatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.