Mga Gawa 21

Sinamahan kami ng ilang mga alagad ni Hesus na taga-Cesarea. Dinala nila kami sa bahay ni Mnason na taga-Cyprus at doon kami nakituloy. Si Mnason ay isa sa mga unang alagad ni Hesus.

Acts 21:16 (UKJV) There went with us also certain of the disciples of Caesarea, and brought with them one Mnason of Cyprus, an old disciple, with whom we should lodge.

14Hindi talaga namin mapigilan si Pablo, kaya sinabi na lang namin, “Mangyari nawa ang kalooban ng Panginoon.”

15Makaraan ang ilang araw, naghanda kami at umalis papuntang Jerusalem.

16Sinamahan kami ng ilang mga alagad ni Hesus na taga-Cesarea. Dinala nila kami sa bahay ni Mnason na taga-Cyprus at doon kami nakituloy. Si Mnason ay isa sa mga unang alagad ni Hesus.

17Pagdating namin sa Jerusalem, malugod kaming tinanggap ng mga kapatiran.

18Kinabukasan, sumáma kami kay Pablo at dinalaw namin si Santiago. Naroon din ang mga namumuno ng iglesya sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.