Mga Gawa 21

Sumigaw sila, “Mga kababayang mga Israelita, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ay nagtuturo sa lahat nang laban sa ating bansa, sa Kautusan at sa Templong ito saan man siya magpunta. Hindi lang iyan, dinala pa niya rito sa Templo ang mga Hentil, kaya dinudungisan niya ang sagradong lugar na ito!”

Acts 21:28 (UKJV) Crying out, Men of Israel, help: This is the man, that teaches all men every where against the people, and the law, and this place: and further brought Greeks also into the temple, and has polluted this holy place.

26Kaya kinabukasan, isinama ni Pablo ang apat na lalaki at isinagawa nila ang seremonya ng paglilinis. Pagkatapos, pumunta si Pablo sa Templo at ipinagbigay-alam kung kailan matatapos ang kanilang paglilinis upang maihandog ang mga hayop para sa bawat isa sa kanila.

27Nang matatapos na ang pitong araw ng kanilang paglilinis, may mga Hudyong mula sa lalawigan ng Asia na nakakita kay Pablo sa Templo. Sinulsulan nila ang lahat ng tao roon sa Templo na hulihin si Pablo.

28Sumigaw sila, “Mga kababayang mga Israelita, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ay nagtuturo sa lahat nang laban sa ating bansa, sa Kautusan at sa Templong ito saan man siya magpunta. Hindi lang iyan, dinala pa niya rito sa Templo ang mga Hentil, kaya dinudungisan niya ang sagradong lugar na ito!”

29(Sinabi nila ito dahil nakita nila si Trofimo na taga-Efeso na sumáma kay Pablo roon sa Jerusalem, at ang akala nilaʼy dinala siya ni Pablo sa Templo.)

30Kaya nagkagulo ang mga tao sa buong Jerusalem, at sumugod sila sa Templo para hulihin si Pablo. Pagkahuli nila sa kanya, kinaladkad nila siya palabas at isinara agad nila ang pintuan ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.