Mga Gawa 23

Kaya hilingin ninyo at ng Sanhedrin sa kumander na gusto ninyong papuntahin ulit dito sa inyo si Pablo. Sabihin ninyo na gusto ninyong imbestigahan nang mabuti. Ngunit bago pa siya makarating dito, papatayin na namin siya.”

Acts 23:15 (UKJV) Now therefore all of you with the council signify to the chief captain that he bring him down unto you tomorrow, as though all of you would enquire something more perfectly concerning him: and we, before even he comes near, are ready to kill him.

14Pagkatapos, pumunta sila sa mga namamahalang pari at sa mga pinuno ng mga Hudyo at sinabi sa kanila, “Sumumpa kaming hindi kakain ng kahit ano hanggaʼt hindi namin napapatay si Pablo.

15Kaya hilingin ninyo at ng Sanhedrin sa kumander na gusto ninyong papuntahin ulit dito sa inyo si Pablo. Sabihin ninyo na gusto ninyong imbestigahan nang mabuti. Ngunit bago pa siya makarating dito, papatayin na namin siya.”

16Ngunit ang plano nilaʼy narinig ng lalaking pamangkin ni Pablo, na anak ng kapatid niyang babae. Kaya pumunta siya sa himpilan at ibinalita ito kay Pablo.

17Tinawag ni Pablo ang isa sa mga kapitan doon at sinabi, “Dalhin ninyo ang binatilyong ito sa kumander, dahil may sasabihin siya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.