Mga Gawa 24

Makalipas ang limang araw, pumunta sa Cesarea ang punong pari na si Ananias. Kasama niya ang ilang pinuno ng mga Hudyo at ang abogadong si Tertulo. Humarap sila kay Gobernador Felix at sinabi nila sa kanya ang kanilang akusasyon laban kay Pablo.

Acts 24:1 (UKJV) And after five days Ananias the high priest descended with the elders, and with a certain orator named Tertullus, who informed the governor against Paul.

1Makalipas ang limang araw, pumunta sa Cesarea ang punong pari na si Ananias. Kasama niya ang ilang pinuno ng mga Hudyo at ang abogadong si Tertulo. Humarap sila kay Gobernador Felix at sinabi nila sa kanya ang kanilang akusasyon laban kay Pablo.

2Pagkatawag kay Pablo, inumpisahan ni Tertulo ang pag-aakusa sa kanya. Sinabi niya, “Kagalang-galang na Gobernador, dahil sa inyong magandang pamamalakad, naging mapayapa ang aming bansa. At maraming pagbabagong naganap na nakabuti sa aming bansa.

3Kaya lubos ang pasasalamat namin sa inyo, kagalang-galang na Felix, at hindi namin ito makakalimutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.