Mga Gawa 26

Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Akala mo baʼy mahihikayat mo akong maging Kristiyano sa loob lamang ng maikling panahon?”

Acts 26:28 (UKJV) Then Agrippa said unto Paul, Almost you persuade me to be a Christian.

26Ang mga bagay na ito ay alam ni Haring Agripa. Kaya hindi ako natatakot magsalita sa kanya. Natitiyak kong alam niya talaga ang mga bagay na ito, dahil hindi ito nangyari nang palihim.

27Haring Agripa, naniniwala po ba kayo sa mga sinasabi ng mga propeta? Alam kong naniniwala kayo.”

28Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Akala mo baʼy mahihikayat mo akong maging Kristiyano sa loob lamang ng maikling panahon?”

29Sumagot si Pablo, “Ang kahilingan ko sa Diyos, mangyari man ito agad o hindi ay hindi lang po kayo kundi ang lahat ding nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa aking pagiging bilanggo.”

30Pagkatapos, tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at ang lahat ng mga kasama nilang nakaupo roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.