Mga Gawa 27

Sinabi niya, ‘Pablo, huwag kang matakot. Dapat kang humarap sa Emperador sa Roma. At sa kagandahang-loob ng Diyos, ang lahat ng kasama mo dito sa barko ay maliligtas dahil sa iyo.’

Acts 27:24 (UKJV) Saying, Fear not, Paul; you must be brought before Caesar: and, lo, God has given you all them that sail with you.

22Ngunit ngayon, hinihiling ko sa inyo na lakasan ninyo ang inyong loob dahil walang mamamatay sa atin; ang barko lang ang masisira.

23Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na humirang sa akin at aking pinaglilingkuran.

24Sinabi niya, ‘Pablo, huwag kang matakot. Dapat kang humarap sa Emperador sa Roma. At sa kagandahang-loob ng Diyos, ang lahat ng kasama mo dito sa barko ay maliligtas dahil sa iyo.’

25Kaya mga kaibigan, tibayan ninyo ang inyong loob, dahil nananalig ako sa Diyos na matutupad ang kanyang sinabi sa akin.

26Subalit tayoʼy kailangang mapadpad sa isang isla.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.