26Subalit tayoʼy kailangang mapadpad sa isang isla.”
27Ikalabing-apat na gabi na noon at patuloy pa rin kaming tinatangay ng bagyo sa Dagat Adriatico. At nang mga hatinggabi na, napansin ng mga tripulante na malapit na kami sa lupa.
28Kaya sinukat nila ang lalim ng dagat at nalaman nilang mga 40 metro ang lalim. Maya-mayaʼy sinukat nilang muli ang lalim, at mga 120 talampakan na lang
29At dahil sa takot na sumadsad kami sa mga batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan ng barko. At nanalangin sila na mag-umaga na sana.
30Gusto sana ng mga tripulante na lisanin na ang barko. Kaya ibinaba nila sa dagat ang maliit na bangka at kunwariʼy maghuhulog lang sila ng mga angkla sa unahan ng barko.