29Pagkasabi nito ni Pablo, nag-uwian ang mga Hudyo na mainit na nagtatalo.]
30Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan. At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya.
31Buong tapang niyang ipinangaral ang tungkol sa paghahari ng Diyos at ang tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo, at wala namang pumigil sa kanya.