Mga Gawa 28

Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng diyosa ng katarungan na mabuhay pa siya.”

Acts 28:4 (UKJV) And when the barbarians saw the venomous beast hang on his hand, they said among themselves, No doubt this man is a murderer, whom, though he has escaped the sea, yet vengeance suffers not to live.

2Napakabait sa amin ng mga tagaroon at mabuti ang kanilang pagtanggap sa aming lahat. Nagpaningas sila ng apoy dahil umuulan at maginaw.

3Kumuha si Pablo ng isang bigkis ng kahoy na panggatong. Ngunit nang mailagay na niya ang mga kahoy sa apoy, may makamandag na ahas na biglang lumabas dahil sa init ng apoy, at tinuklaw ang kanyang kamay.

4Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng diyosa ng katarungan na mabuhay pa siya.”

5Ngunit ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at walang masamang nangyari sa kanya.

6Hinihintay ng mga tao na mamaga ang kamay ni Pablo o kayaʼy matumba siya at mamatay. Ngunit matapos nilang maghintay nang matagal, walang nangyari kay Pablo. Kaya nagbago ang isip nila at nasabi na isa siyang diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.