Mga Gawa 28

Si Publio ang pinuno ng lugar na iyon at malapit sa kanyang lupa ang lugar na napuntahan namin. Mabuti ang kanyang pagtanggap sa amin, at doon kami tumuloy sa kanila sa loob ng tatlong araw.

Acts 28:7 (UKJV) In the same quarters were possessions of the chief man of the island, whose name was Publius; who received us, and lodged us three days courteously.

5Ngunit ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at walang masamang nangyari sa kanya.

6Hinihintay ng mga tao na mamaga ang kamay ni Pablo o kayaʼy matumba siya at mamatay. Ngunit matapos nilang maghintay nang matagal, walang nangyari kay Pablo. Kaya nagbago ang isip nila at nasabi na isa siyang diyos.

7Si Publio ang pinuno ng lugar na iyon at malapit sa kanyang lupa ang lugar na napuntahan namin. Mabuti ang kanyang pagtanggap sa amin, at doon kami tumuloy sa kanila sa loob ng tatlong araw.

8Nagkataon noon na ang ama ni Publio ay may sakit na lagnat at disenteriya. Kaya pumasok si Pablo sa silid nito, nanalangin, at ipinatong niya ang kanyang kamay sa maysakit at gumaling ito.

9Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng maysakit sa isla ay pumunta sa amin at napagaling din sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.