Mga Gawa 3

Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko Israelita, bakit kayo namamangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan na para bang napalakad namin ang taong ito dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan?

Acts 3:12 (UKJV) And when Peter saw it, he answered unto the people, All of you men of Israel, why marvel all of you at this? or why look all of you so earnestly on us, as though by our own power or holiness we had made this man to walk?

10Nang mapansin nila na siya pala iyong palaging nakaupo at namamalimos doon sa pintuan ng Templo na tinatawag na Maganda, lubos silang namangha.

11Samantala, habang nakakapit ang lalaking iyon kina Pedro at Juan, nagtakbuhan ang mga tao palapit sa kanila sa bahagi ng Templo na tinatawag na Balkonahe ni Solomon dahil manghang-mangha sila.

12Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko Israelita, bakit kayo namamangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan na para bang napalakad namin ang taong ito dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan?

13Ang Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang siyang gumawa nito upang luwalhatiin ang kanyang lingkod na si Hesus. Ang Hesus na ito ang isinakdal at itinakwil ninyo sa harapan ni Pilato, kahit napagpasyahan na niyang pakawalan siya.

14Siya ang Banal at Matuwid, ngunit itinakwil ninyo siya, at sa halip mas pinili pa ninyong hilingin na pakawalan ang isang mamamatay-tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.