11Siya, ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ang siyang naging batong-panulukan.’
12Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin kundi siya lang, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoʼy maligtas.”
13Namangha ang mga miyembro ng Sanhedrin sa lakas ng loob nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nila na mga karaniwang tao lamang sila at hindi mataas ang pinag-aralan. At nabatid nilang silaʼy mga kasamahan ni Hesus noon.
14Wala na silang masabi pa laban kina Pedro at Juan, dahil ang taong pinagaling ay nakatayo mismo sa tabi ng dalawa.
15Kaya pinalabas muna nila sina Pedro at Juan sa kanilang pinagtitipunan at nag-usap-usap sila.