15Kaya pinalabas muna nila sina Pedro at Juan sa kanilang pinagtitipunan at nag-usap-usap sila.
16Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito? Sapagkat kumalat na ang balita sa buong Jerusalem na nakagawa sila ng himala, at hindi na natin ito maitatanggi.
17Ngunit upang hindi na kumalat ang ipinapangaral nila sa mga tao, pagbawalan natin silang magsalita kaninuman tungkol sa pangalang ito.”
18Ipinatawag nila sina Pedro at Juan at sinabihang huwag nang magsalita o magturo tungkol kay Hesus.
19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan, “Alin sa palagay ninyo ang tama sa paningin ng Diyos, ang sundin kayo o ang sundin siya? Kayo ang humusga!