Mga Gawa 5

May isang lalaki namang nagngangalang Ananias, kasama ang kanyang asawang si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian.

Acts 5:1 (UKJV) But a certain man named Ananias, with Sapphira his wife, sold a possession,

1May isang lalaki namang nagngangalang Ananias, kasama ang kanyang asawang si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian.

2Ngunit nagtago siya ng ilang bahagi ng pinagbilhan at sinang-ayunan naman ito ng kanyang asawa. Pagkatapos, dinala niya ang natirang halaga at ibinigay niya sa mga apostol.

3Nagtanong si Pedro, “Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu at itinago mo ang ilang bahagi ng pinagbilhan ng lupa ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.