Mga Gawa 5

Hindi baʼt ikaw ang may-ari ng lupa bago mo ʼyon ipinagbili? At nang maipagbili na, hindi baʼt ikaw rin ang magpapasya kung ano ang gagawin mo sa pera? Paano mo nagawang magbalak ng ganito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos!”

Acts 5:4 (UKJV) While it remained, was it not yours own? and after it was sold, was it not in yours own power? why have you conceived this thing in yours heart? you have not lied unto men, but unto God.

2Ngunit nagtago siya ng ilang bahagi ng pinagbilhan at sinang-ayunan naman ito ng kanyang asawa. Pagkatapos, dinala niya ang natirang halaga at ibinigay niya sa mga apostol.

3Nagtanong si Pedro, “Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu at itinago mo ang ilang bahagi ng pinagbilhan ng lupa ninyo.

4Hindi baʼt ikaw ang may-ari ng lupa bago mo ʼyon ipinagbili? At nang maipagbili na, hindi baʼt ikaw rin ang magpapasya kung ano ang gagawin mo sa pera? Paano mo nagawang magbalak ng ganito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos!”

5Nang marinig iyon ni Ananias, natumba siya at namatay. Lumapit ang mga binata at binalot ang bangkay. Pagkatapos, binuhat ito palabas at inilibing. At ang lahat ng nakarinig sa pangyayaring iyon ay lubhang natakot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.