Mga Gawa 5

Kaya sinunod ng mga kasamahan ni Gamaliel ang kanyang payo. Ipinatawag nilang muli ang mga apostol at ipinahagupit. Pagkatapos, binalaan sila na huwag nang magturo pa tungkol kay Hesus, at pinalaya sila.

Acts 5:40 (UKJV) And to him they agreed: and when they had called the apostles, and beaten them, they commanded that they should not speak in the name of Jesus, and let them go.

38Kaya ito ang masasabi ko sa inyo: Pabayaan na lang ninyo ang mga taong ito, at huwag na silang pakialaman. Sapagkat kung ang mga binabalak at ginagawa nila ay galing lamang sa tao, hindi rin ito magtatagumpay.

39Ngunit kung galing ito sa Diyos, hindi ninyo sila mapipigilan. Baka lumabas pa na ang Diyos na mismo ang inyong kinakalaban.”

40Kaya sinunod ng mga kasamahan ni Gamaliel ang kanyang payo. Ipinatawag nilang muli ang mga apostol at ipinahagupit. Pagkatapos, binalaan sila na huwag nang magturo pa tungkol kay Hesus, at pinalaya sila.

41Umalis doon ang mga apostol na masayang-masaya, dahil binigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na dumanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Hesus.

42Araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, patuloy silang nagtuturo at nangangaral ng Magandang Balita na si Hesus ang Mesias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.