Mga Gawa 7

“Nang malapit nang matupad ang pangako ng Diyos kay Abraham, lalo pang dumami ang ating mga ninuno sa Ehipto,

Acts 7:17 (UKJV) But when the time of the promise drew nigh, which God had sworn to Abraham, the people grew and multiplied in Egypt,

15Kayaʼt pumunta si Jacob sa Ehipto, at doon siya namatay, pati na rin ang lahat ng kanyang mga anak na ating mga ninuno.

16Dinala ang kanilang mga labí sa Shekem at inilibing sa libingang binili ni Abraham noon sa mga anak ni Hamor.”

17“Nang malapit nang matupad ang pangako ng Diyos kay Abraham, lalo pang dumami ang ating mga ninuno sa Ehipto,

18hanggang sa nagkaroon ng bagong hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose.

19Pinagsamantalahan at pinahirapan niya ang ating lahi. Pinilit niya silang itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.