Mga Gawa 7

At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at pinalaking parang tunay niyang anak.

Acts 7:21 (UKJV) And when he was cast out, Pharaoh's daughter took him up, and nourished him for her own son.

19Pinagsamantalahan at pinahirapan niya ang ating lahi. Pinilit niya silang itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.

20“Sa panahong iyon isinilang si Moises na isang batang kinalugdan ng Diyos. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan.

21At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at pinalaking parang tunay niyang anak.

22Tinuruan si Moises ng lahat ng kaalaman ng Ehipto, at naging makapangyarihan sa salita at sa gawa.

23“Noong apatnapung taon na si Moises, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.