31Sumagot ang eunuko, “Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
32Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa: “Siya ay tulad ng isang tupa na inaakay patungo sa katayan; Gaya ng isang munting tupa wala siyang imik habang ginugupitan ni bibig niyaʼy ayaw buksan.
33Hinamak siya at hinatulan nang hindi makatarungan. Walang makapagsalita tungkol sa kanyang lahi, sapagkat ang kanyang buhay dito sa lupaʼy pinaikli.”
34Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang kanyang sarili ba o ibang tao?”
35Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Hesus.