Mga Gawa 8

Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

Acts 8:39 (UKJV) And when they were come up out of the water, the Spirit of the Lord caught away Philip, that the eunuch saw him no more: and he went on his way rejoicing.

37Sumagot si Felipe, “Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sinabi ng eunuko, “Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos.”]

38Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.

39Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

40Namalayan na lang ni Felipe na siyaʼy nasa lugar na ng Azoto. Nangaral siya ng Magandang Balita sa mga bayan na dinadaanan niya hanggang makarating siya sa Cesarea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.