Mga Gawa 9

Narito siya ngayon sa Damasco at binigyan siya ng mga namamahalang pari ng kapangyarihang hulihin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.”

Acts 9:14 (UKJV) And here he has authority from the chief priests to bind all that call on your name.

12at ipinakita ko sa kanya sa isang pangitain na pumasok ang isang lalaking nagngangalang Ananias sa kinaroroonan niya at ipinatong ang mga kamay sa kanya upang muli siyang makakita.”

13Subalit sumagot si Ananias, “Panginoon, marami po akong nababalitaan tungkol sa taong iyon, na pinagmamalupitan niya ang inyong mga hinirang sa Jerusalem.

14Narito siya ngayon sa Damasco at binigyan siya ng mga namamahalang pari ng kapangyarihang hulihin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.”

15Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ananias, “Pumunta ka. Sapagkat siya ang pinili kong lingkod na magpapahayag tungkol sa akin sa mga Hentil at sa kanilang mga hari, at sa mga Israelita.

16Ipapakita ko rin sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.