Mga Gawa 9

Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

Acts 9:3 (UKJV) And as he journeyed, he came near Damascus: and suddenly there shined round about him a light from heaven:

1Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga alagad ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari

2at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya doon na sumusunod sa Daan, lalaki man o babae.

3Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

4Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”

5Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.