41Hinawakan siya ni Pedro sa kamay at tinulungang tumayo. Pagkatapos, tinawag ni Pedro ang mga biyuda at ang iba pang mga hinirang ng Diyos doon, at ipinakita sa kanila si Tabita na buháy na.
42Ang balitang itoʼy kumalat sa buong Jopa, at marami ang sumampalataya sa Panginoon.
43Nanatili pa si Pedro nang mga ilang araw sa Jopa, sa bahay ni Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop.