Mga Taga-Colosas 1

Kaya nga ipinapangaral namin si Kristo sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan at tinuturuan namin ang bawat isa ayon sa karunungang ipinagkaloob sa amin ng Diyos. Sa ganoon, maihaharap namin ang bawat isa nang ganap sa pakikipag-isa nila kay Kristo.

Colossians 1:28 (UKJV) Whom we preach, warning every man, and teaching every man in all wisdom; that we may present every man perfect in Christ Jesus:

26Ito ang planong inilihim niya noon sa naunang mga panahon at mga salinlahi, ngunit ngayon ay inihayag na sa ating mga hinirang niya.

27Nais ng Diyos na ihayag sa kanila ang masagana at kamangha-mangha niyang planong para din sa mga Hentil. At ito ang lihim na plano: Si Kristo ay sumasainyo at ito ang batayan ng pag-asa na inyong makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap.

28Kaya nga ipinapangaral namin si Kristo sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan at tinuturuan namin ang bawat isa ayon sa karunungang ipinagkaloob sa amin ng Diyos. Sa ganoon, maihaharap namin ang bawat isa nang ganap sa pakikipag-isa nila kay Kristo.

29At upang matupad ito, nagpapakahirap ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo na nagpapalakas sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.