Mga Taga-Colosas 4

Maging masigasig kayo sa patuloy ninyong pananalangin nang may pag-iingat at pasasalamat.

Colossians 4:2 (UKJV) Continue in prayer, and watch in the same with thanksgiving;

1Mga amo, maging mabuti at makatarungan kayo sa inyong mga alipin. Alalahanin ninyong kayo rin ay mayroong amo sa langit.

2Maging masigasig kayo sa patuloy ninyong pananalangin nang may pag-iingat at pasasalamat.

3Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Diyos ng pagkakataon na maihayag ang mensahe ng hiwagang tungkol kay Kristo na dahilan ng aking pagkabilanggo.

4Ipanalangin ninyong maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.