Mga Taga-Colosas 4

Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita upang makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.

Colossians 4:6 (UKJV) Let your speech be always with grace, seasoned with salt, that all of you may know how all of you ought to answer every man.

4Ipanalangin ninyong maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat.

5Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo.

6Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita upang makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.

7Kung tungkol naman sa kalagayan ko rito, ang minamahal naming si Tiquico ang magbabalita sa inyo. Isa siyang tapat na manggagawa at kapwa ko lingkod ng Panginoon.

8Pinapunta ko siya diyan upang malaman nʼyo ang kalagayan namin, at upang lumakas ang inyong loob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.