Daniel 10

Sinabi niya, “Daniel, mahal ka ng Diyos. Tumayo ka at makinig nang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, dahil isinugo ako ng Diyos dito sa iyo.” Pagkasabi niya noon, nanginginig akong tumayo.

Daniel 10:11 (UKJV) And he said unto me, O Daniel, a man greatly beloved, understand the words that I speak unto you, and stand upright: for unto you am I now sent. And when he had spoken this word unto me, I stood trembling.

9Narinig kong nagsasalita ang taong iyon. At habang nagsasalita siya, nawalan ako ng malay at nasubsob sa lupa.

10Hinawakan at tinulungan niya ako habang nanginginig pa ang aking mga kamay at mga tuhod.

11Sinabi niya, “Daniel, mahal ka ng Diyos. Tumayo ka at makinig nang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, dahil isinugo ako ng Diyos dito sa iyo.” Pagkasabi niya noon, nanginginig akong tumayo.

12Sinabi niya sa akin, “Daniel, huwag kang matakot. Sapagkat sa unang araw pa lamang ng iyong pagpapakumbaba sa Diyos at sa hangad mong maunawaan ang pangitain, sinagot na ang iyong dalangin. Kaya pumarito ako upang dalhin ang kasagutan sa iyong dalangin.

13Ngunit hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng dalawampuʼt isang araw ay hinadlangan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Miguel na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.