Daniel 11

Noong unang taon ng paghahari ni Dario na taga-Media, ako ang tumulong at nagtanggol kay Miguel.

Daniel 11:1 (UKJV) Also I in the first year of Darius the Mede, even I, stood to confirm and to strengthen him.

1Noong unang taon ng paghahari ni Dario na taga-Media, ako ang tumulong at nagtanggol kay Miguel.

2“Sasabihin ko sa iyo ngayon ang katotohanan: Tatlo pang hari ang maghahari sa Persia. Ang ikaapat na hari na susunod sa kanila ay mas mayaman pa kaysa sa mga nauna. Sa pamamagitan ng kanyang kayamanan, magiging makapangyarihan siya, at susulsulan niya ang ibang kaharian na makipaglaban sa Gresya.

3Pagkatapos, isa pang makapangyarihang hari ang darating. Maraming bansa ang kanyang sasakupin, at gagawin niya ang gusto niyang gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.