Daniel 2

Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Ngunit ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok na pumuno sa buong mundo.

Daniel 2:35 (UKJV) Then was the iron, the clay, the brass, the silver, and the gold, broken to pieces together, and became like the chaff of the summer threshing floors; and the wind carried them away, that no place was found for them: and the stone that stroke the image became a great mountain, and filled the whole earth.

33Yari sa bakal ang kanyang mga binti at ang kanyang mga paa naman ay yari sa bakal at luwad.

34At habang tinitingnan nʼyo po ang rebulto, may batong natipak na hindi kagagawan ng tao. Tumama ito sa mga paa nitong yari sa bakal at luwad, at nawasak ang kanyang mga paa.

35Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Ngunit ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok na pumuno sa buong mundo.

36“Iyan po ang panaginip nʼyo, at ngayon ipapaliwanag namin sa hari ang kahulugan nito.

37Mahal na Hari, kayo ang hari ng mga hari. Ginawa kayong hari ng Diyos sa langit at binigyan ng kaharian, kapangyarihan, kalakasan, at karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.