Daniel 3

Nagpagawa si Haring Nebucadnezar ng gintong imahen. May siyamnapuʼt talampakan ang taas at siyam na talampakan ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:1 (UKJV) Nebuchadnezzar the king made an image of gold, whose height was threescore cubits, and the breadth thereof six cubits: he set it up in the plain of Dura, in the province of Babylon.

1Nagpagawa si Haring Nebucadnezar ng gintong imahen. May siyamnapuʼt talampakan ang taas at siyam na talampakan ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.

2Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Nebucadnezar ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan upang dumalo sa pagtatalaga ng nasabing rebulto.

3Kaya ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan ay nagtipon para sa pagtatalaga ng rebultong ipinatayo ni Haring Nebucadnezar. Tumayo silang lahat sa harapan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.