Daniel 7

At mula sa kanya ay umaagos ang apoy. Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya; mas marami pa sa sampung libo ang nakatayo sa kanyang harapan. Handa na siyang humatol, kaya binuksan ang mga aklat.

Daniel 7:10 (UKJV) A fiery stream issued and came forth from before him: thousand thousands ministered unto him, and ten thousand times ten thousand stood before him: the judgment was set, and the books were opened.

8“Habang tinitingnan ko ang mga sungay, nakita kong tumubo ang munting sungay at nabunot ang tatlo sa mga naunang sungay. Ang sungay na ito ay may mata na tulad ng tao at may bibig na nagsasalita ng kayabangan.

9“Pagkatapos ay nakita ko, may mga tronong inilagay, at umupo sa kanyang trono ang Diyos na Buháy Magpakailanman. Nakakasilaw ang kanyang damit at buhok dahil sa kaputian. Nagliliyab ang kanyang tronong may mga gulong.

10At mula sa kanya ay umaagos ang apoy. Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya; mas marami pa sa sampung libo ang nakatayo sa kanyang harapan. Handa na siyang humatol, kaya binuksan ang mga aklat.

11“Patuloy kong tinitingnan ang sungay dahil sa naririnig kong pagyayabang nito, hanggang sa nakita kong pinatay ang ikaapat na hayop. Inihagis siya sa apoy at nasunog ang kanyang katawan.

12(At ang natitirang tatlong hayop ay inalisan ng kapangyarihan, pero hinayaang mabuhay nang maiksing panahon.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.