14Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya.
15“Akong si Daniel ay nabagabag sa aking nakita.
16Kaya lumapit ako sa isang nakatayo roon at nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng nakita kong iyon. “Kaya sinabi niya sa akin at ibinigay niya ang kahulugan ng mga bagay na ito:
17‘Ang apat na hayop ay tumutukoy sa apat na haring maghahari sa mundo.
18Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang siyang bibigyan ng kapangyarihang maghari magpakailanman.’