Daniel 7

“Narito ang kanyang paliwanag sa akin: Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kaharian dito sa mundo na kakaiba kaysa sa ibang kaharian. Lulusubin nito at wawasakin ang buong mundo.

Daniel 7:23 (UKJV) Thus he said, The fourth beast shall be the fourth kingdom upon earth, which shall be diverse from all kingdoms, and shall devour the whole earth, and shall tread it down, and break it in pieces.

21Nakita kong ang sungay na ito ay nakikipaglaban sa mga banal ng Diyos, at nananalo siya.

22Pagkatapos, dumating ang Diyos na Buháy Magpakailanman, ang Kataas-taasang Diyos, at humatol panig sa kanyang mga banal. At dumating ang panahon ng paghahari ng mga banal.

23“Narito ang kanyang paliwanag sa akin: Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kaharian dito sa mundo na kakaiba kaysa sa ibang kaharian. Lulusubin nito at wawasakin ang buong mundo.

24Ang sampung sungay ay ang sampung hari na maghahari sa kahariang iyon. Papalit sa kanila ang isang hari na iba kaysa sa kanila at ibabagsak niya ang tatlong hari.

25Magsasalita siya laban sa Kataas-taasang Diyos, at uusigin niya ang mga banal ng Diyos. Sisikapin niyang baguhin ang mga pista at Kautusan. Ipapasakop sa kanya ang mga banal ng Diyos sa loob ng tatloʼt kalahating taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.