Daniel 8

Habang akong si Daniel ay nakatingin sa pangitaing iyon at sinusubukang maintindihan kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang isang parang tao.

Daniel 8:15 (UKJV) And it came to pass, when I, even I Daniel, had seen the vision, and sought for the meaning, then, behold, there stood before me as the appearance of a man.

13Narinig kong nag-uusap ang dalawang anghel. Ang isang anghel ay nagtatanong sa isa, “Hanggang kailan kaya tatagal ang mga pangyayaring ito na nasa pangitain? Ang pagpapatigil sa araw-araw na paghahandog, ang paglapastangan sa templo na magiging dahilan upang pabayaan ito, at ang pagyurak sa mga nilalang sa langit?”

14Sumagot ang isa, “Itoʼy mangyayari sa loob ng 2,300 umaga at hapon, at pagkatapos ay lilinisin ang Templo.”

15Habang akong si Daniel ay nakatingin sa pangitaing iyon at sinusubukang maintindihan kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang isang parang tao.

16Pagkatapos, may narinig akong tinig ng tao mula sa Ilog ng Ulai na nagsabi, “Gabriel, ipaliwanag mo sa kanya ang kahulugan ng pangitain.”

17Nang lumapit si Gabriel sa akin, nagpatirapa ako sa takot. Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, dapat mong maunawaan na ang iyong pangitain ay tungkol sa katapusan ng panahon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.