Daniel 8

Pagkatapos noon, akong si Daniel ay nanghina at nagkasakit nang ilang araw. Nang gumaling ako, bumalik ako sa trabaho na ibinigay sa akin ng hari. Ngunit patuloy akong nabalisa ng pangitaing iyon; hindi ko ito lubos na maunawaan.

Daniel 8:27 (UKJV) And I Daniel fainted, and was sick certain days; afterward I rose up, and did the king's business; and I was astonished at the vision, but none understood it.

25Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin nang walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Ngunit lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

26“Ang pangitaing nakita mo tungkol sa pagpapatigil ng pang-umaga at panghapon na paghahandog ay totoo. Ngunit huwag mo munang ihayag ito dahil matatagalan pa bago ito maganap.”

27Pagkatapos noon, akong si Daniel ay nanghina at nagkasakit nang ilang araw. Nang gumaling ako, bumalik ako sa trabaho na ibinigay sa akin ng hari. Ngunit patuloy akong nabalisa ng pangitaing iyon; hindi ko ito lubos na maunawaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.