Mga Taga-Efeso 1

Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihan. Ang kanyang pangalan ay hindi mapapantayan ng anumang kinikilalang pangalan, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon.

Ephesians 1:21 (UKJV) Far above all principality, and power, and might, and dominion, and every name that is named, not only in this world, but also in that which is to come:

19Ipinapanalangin ko rin na malaman ninyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang lakas ng kapangyarihang ito

20ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Kristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit.

21Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihan. Ang kanyang pangalan ay hindi mapapantayan ng anumang kinikilalang pangalan, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon.

22Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Kristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat para sa ikabubuti ng iglesya

23na siyang katawan niya. Ang iglesya ay ang kabuuan ni Kristo na siyang bumubuo sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.