Mga Taga-Efeso 2

Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan.

Ephesians 2:1 (UKJV) And you has he quickened, who were dead in trespasses and sins;

1Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan.

2Namumuhay kayo dati sa kasalanan, gaya ng mga taong makamundo. Sakop kayo noon ng pinuno ng mga espiritung naghahari sa mundo. At siya ang espiritung kumikilos sa puso ng mga taong ayaw sumunod sa Diyos.

3Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.