Mga Taga-Efeso 2

Pumarito si Kristo at ipinahayag ang Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan sa inyong mga Hentil na noong unaʼy malayo sa Diyos, at maging sa aming mga Hudyo na malapít sa Diyos.

Ephesians 2:17 (UKJV) And came and preached peace to you which were far off, and to them that were nigh.

15Sa kanyang kamatayan ay pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga tuntunin nito. Ginawa niya ito upang maging isang katawan tayong mga Hudyo at mga Hentil, at sa ganitong paraan ay pinagkasundo niya tayo.

16Ngayong pinag-isa na ang dalawa sa iisang katawan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Diyos.

17Pumarito si Kristo at ipinahayag ang Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan sa inyong mga Hentil na noong unaʼy malayo sa Diyos, at maging sa aming mga Hudyo na malapít sa Diyos.

18Ngayon, tayong lahat ay makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu dahil sa ginawa ni Kristo para sa atin.

19Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.