10upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan.
11Ito na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus na Panginoon natin.
12Sa pananampalataya natin kay Kristo Hesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Diyos nang walang takot o pag-aalinlangan.
13Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil ito sa ikabubuti ninyo.
14Kapag naiisip ko ang mga ito, lumuluhod ako at nananalangin sa Ama,